Simon-sama's Blog
Bits and pieces of Simon Mirano

Mga saloobin ni Simon para kay Toni

Buti pa ibang tao kayang sabihin ang nararamdaman nila para sa mahal nila, ako, hindi ko kaya sabihin sa harap niya.

Kelangan ko pa magbiro at mangbola para pabiro kong sabihin mga bagay na nais kong sabihin sa kanya.

Siguro mali ko rin na pabiro sabihin yung mga bagay na ito. Natatakot ako, natatakot masaktan nanaman.

Siguro ayaw ko lang nung pakiramdam na nasasaktan.

Mahirap.

Mahirap kasi magkaibigan kami.

Parang hanggang doon na lang ang lahat para sa amin.

Gusto ko siyang ligawan at maging nobya pero natatakot ako na baka may magawa akong mali at maayawan niya ako.

Kelan kaya ako magiging handa?

Kelan ko kaya masasabi na lahat ng mga ginagawa ko ay ang aking paraan ng panliligaw?

Kung sasabihin ko ba itong mga bagay na ito sa kanya ay magiging maayos ba ang lahat pagkatapos nito?

Sabi niya, magaaral pa muna siya.

Talaga bang ito ang rason o ayaw mo lang ako masakan sa tunay mong sagot?

Mahal kita.

Mga salitang pawang lagi ko na sinasabi habang tayo ay naguusap sa telepono.

Mga salitang nais kong ibulong ng paulit ulit sa iyong tenga.

Toni Elyse Bette Bautista.

Pangalan ng babaeng nagpapaligaya ng buhay ko.

Toni Elyse Bette Bautista.

Darating ba ang panahon na mamahalin mo rin ako?

Advertisement

No Responses to “Mga saloobin ni Simon para kay Toni”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.